Panunuring Pampanitikan: Dekada ‘70

nina Benedict Caliba, Sebastian Reyes, Orteus Bonilla, Jeevan Chhina

BENEDICT CALIBA
17 min readApr 27, 2022

Pamagat

Pabalat ng Dekada ‘70

Ang Dekada ’70 ni Lualhati Bautista ay isang nobela tungkol sa mga isyung panlipunan naganap noong idineklara ang Martial Law sa bansa. Sa mga iyak at sigaw ng mga naparusahan at namatay, maipapalamas dito kung gaano kadugo at kadilim ang bahaging ito ng ating kasaysayan.

Hindi lamang ipinakita rito ang mga pagdudusa o paghihirap ng mga mamayanan kundi ipinakita ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan sa mga kalalakihan. Malakas ang impluwensiya ng patriarkal sa panahon ito at nananatiling tahimik ang mga kababaihan sa loob ng kanilang tahanan para asikasuhin ang mga pangangailangan.

Dekada ’70 ang pamagat ng nobela sapagkat ang mga pangyayari na isinalaysay dito ay lubhang totoo. Ipinapaunlad din ang katayuan ng mga kababaihan na sila ay may silbe at may karapatan sa kanilang buhay kahit ano pang iutos sa kanila. Makikita ang pagkakaisa ng mga Pilipino upang lutasin ang paghihirap sa bayan at maging sa buong bansa.

May-akda

Litrato ni Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isa sa mga kilalang akda ng kontemporaryong panitikan sa bansa. Siya ay ipinanganak noong Disyembre 2, 1945 sa Tondo, Manila. Siya ay kumuha ng kursong Journalism sa Lyceum of the Philippines ngunit siya ay tumigil sa kadahilanang gusto niyang sumulat lamang. Nang nakagawa siya ng mga kuwento, ipinalimbag niya ito sa Liwayway, isang sikat na magasin noon.

Ilan pang mga naisulat niya kundi Dekada ’70 ay Gapo(1988); Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?(1983); Desaparesidos(2006); Bulaklak sa City Jail(2006); at Sonata(2017). Sa lahat ng kaniyang nobela na isinapelikula, 11 ang kanyang nakuhang parangalan at ang tatlo roon ay sa Dekada ‘70.

Bilang isang mahusay na manunulat, nagagamit niya ang kaniyang talento sa pagsulat upang ipalaganap ang katotohanan noong kapanahunan ng Martial Law. Higit na mahalaga rin sa kanya ang pagbibigay-halaga sa mga kababaihan dahil siya ay isang babae na nakaranas ng kanilang buhay. Sa mga naisulat niyang nobela, sana ay magsisilbing liwanag ito sa mga Pilipino lalo na sa kabataan na kaunti pa lang ang kanilang nalalaman.

Tauhan

Vilma Santos bilang si Amanda Bartolome

Si Amanda Bartolome ay isang maalagaing ina sa limang anak na lalaki at masunuring asawa. Siya ay nakaranas ng diskriminsayon galing sa kanyang asawa na si Julian Bartolome dahil nagpaalam siya na gusto niya magtrabaho at hindi lamang sa gawaing-bahay ang kanyang inaatupag at sa pangangalaga niya sa kanilang mga anak. Habang tumatagal ang kuwento, makikita natin na tulad ng isang karaniwang ina na siya ay mapagmahal at laging hinahanap ang kanyang anak. Sinisimbolo niya ang mga kababaihan na may karapatan, boses, at paninindigan sa mga suliraning ikinikaharap nila at isa na diyan ang diskriminasyon. Siya rin ay simbolo ng mga taong na may malasakit at pagmamahal sa kapwa niyang tao.

Christopher De Leon bilang si Julian Bartolome Sr.

Si Julian Bartolome Sr. ay isang halimbawa ng mga taong gusto sila lang ang maging breadwinner sa pamilya. Gaya ni Amanda, mahal din niya ang kanyang mga anak at mataas ang pinapangarap sa kanila. Sa kabilang banda, ayaw niya na ang babae ay maging tulad sa mga lalaki na nagtatrabaho. Samantala, makikita natin sa kanyang galaw ang hindi naman kailangan gawin ng isang tunay na lalaki na hindi mahina, hindi umiiyak, at hindi nagpapakita ng kanyang saloobin. Sinisimbolo niya ang mga taong naniniwala sa sistema ng patriyarkal kung saan dapat ang lalaki ang mamuno sa lahat.

Piolo Pascual bilang si Jules Bartolome

Si Julian Bartolome Jr. (o mas kilala sa katawagang Jules) ay ang panganay sa pamilyang Bartolome. Siya ay isang aktibista at miyembro ng isang kilusan na kinakalaban ang pamahalaan noong panahong iyon. Mahal niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng paglalayo sa kanila upang hindi sila masaktan ng mga pulis o sundalo dahil lamang sa kanya. ‘Di nagtagal ay nahuli siya at nakulong. Hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan ngunit ipinakita niya ang kahalagaan ng kanyang ipinaglalaban para sa kinabukasan ng bansa. Sinisimbolo niya ang mga taong may pagmamahal sa bayan at sa bansa para hindi maapektuhan ang susunod pang darating at para sa kalayaan.

Carlos Agassi bilang si Isagani Bartolome

Ang kasunod ni Jules ay si Isagani Bartolome. Nangarap siyang sumali sa US Navy ngunit siya ay naaliw kay Evelyn na pinakasalan niya. Nalaman niya nagkaroon sila ng anak at buong puso pa rin tanggap ito ng kanyang ina. Hindi siya nagdalawang-isip dahil naging opisyal siyang miyembro ng US Navy at nagpakalayo sa kanyang pamilya. Kapalit nito, naghiwalay sila ni Evelyn. Sinisimbolo ni Gani ang mga taong gusto maipasalalim sa kapangyarihan ng mga dayuhan at walang pagmamahal sa bansa.

Marvin Agustin bilang si Emmanuel Bartolome

Si Em Bartolome ay ang pangatlong anak nina Amanda at Julian. Siya ay isang mahusay na manunulat sa pagbibigay ng impormasyon na pinagbabawal ilabas sa publiko. Siya ay katulad ni Jules, na nakikipaglaban sa pamahalaan para sa kapayaan at kalayaan. Ang kanyang pamamaraan ng pagpapahayag ay tahimik ngunit nakakamandag dahil sa kanyang typewriter siya gumagawa. Sinisimbolo naman niya ang mga journalists na nagpapahayag ng maayos at may katotohanan para malaman ng taumbayan ang tunay na nangyayari sa kanilang paligid.

Danilo Barrios bilang si Jason Bartolome

Si Jason Bartolome ay ang pang-apat na anak sa pamilyang Bartolome. Madalas nakakakuha siya ng mababang marka sa pag-aaral ngunit nananatiling maganda ang kanyang pakikipagtungo sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Minsan siya ay may sariling mundo sa kanilang tahanan na hindi nalalaman kung ano ang ganap. Nakakalungkot ang sinapit ng tauhang ito dahil sa dulo ng kuwento, siya ay pinatay ng mga pulis nang walang awa. Sinisimbolo niya ang mga taong pinatay na walang sala noong panahon ng Martial Law at mga walang saloobin sa mga balita.

John W. Sace bilang si Benjamin Bartolome

Si Benjamin Bartolome (o mas kilala sa palayaw na Bingo) ay ang bunso sa magkakapatid. Makikita natin sa kuwento na siya ay palaging nagtatanong upang alamin kung ano ang nangyayari. Dahil lagi siya tumutuklas ng mga pangyayari, siya ay naging gising sa katotohanan. Ipinapakita rito ni Lualhati Bautista kay Bingo na ang kabataan ay dapat matutong maging bukas ang isip kahit bata pa. Sinisimbolo niya ang kabataan na maraming tanong sa buhay at nahihiligan makinig at magbasa tungkol sa mga isyung panlipunan.

Tagpuan

Bahay ng pamilyang Bartolome

Ang kuwento ay halos nangyari sa loob ng tahanan ng pamilyang Bartolome. Dito natin makikita kung paano nakikisalamuha ang mga tauhan sa bawat isa sa kanilang tirahan. Mayroong eksena na may katuwaan tulad ng ikasampung kaarawan ni Bingo at mayroon ding nakakalumbay na eksena gaya ng pag-alam sa pagkapanaw ni Jason. Sinisimbolo ng tagpuang ito ang ating bansang Pilipinas, na may iba’t ibang uri ng tao sa lipunan at kanya-kanyang prinisipyo sa buhay. Gayunpaman, ipinamalas din dito ang pagsasama-sama at pagkakaisa ng mga Pilipino laban sa kasamaan.

Bilangguan

Nang nahuli si Jules dahil sa pagsali sa isang kilusang kontra sa gobyerno, dito siya naipunta, sa bilangguan. Sa pagkulong niya, siya ay pinapasalita ng mga pulis ngunit ayaw niya magsalita kaya gumamit sila ng iba’t ibang klase ng torture methods. Nasugatan si Jules at siya ay nanatiling tatag at malakas sa kanyang paninindigan. Hindi lamang siya dumanas nito dahil maraming-maraming Pilipino ang hindi man binigyan ng hustiya sa kakagawan nila tulad na lang ng kanyang kaibigan na si Willy. Sinisimbolo rito ang mga pagdudusa at walang kalayaan ng mga mamamayan.

Buod at Pagsusuri

Kalagitnaan ng Dekada ‘60

Sa pag-umpisa ng kuwento, nakipag-away si Gani sa kanyang kalaro at ito ay pinapaawat nina Jules, Amanda, at nanay ng kalaro. Ang kanilang pinag-awayan ay kung paano humakbang ang tipaklong kung ito’y ba gumamit ng parehong paa o isa lang. Dahil dito, pinapahuli ng nanay si Gani ng tipaklong para maipakita kung paano nga ba tumalon ito.

Habang sumasagot ng crossword puzzle si Julian Bartolome Sr., kumakanta ng masagwang awiitn ang kanyang mga anak. Sinabihan niya si Amanda na sawayin sila. Sumigaw si Julian nang malakas ngunit hindi pa rin sila tumigil kaya sinamahan niya sila.

Ang pagsabi ni Julian sa kanyang asawa tungkol sa pagtitigil ng “kanyang mga anak” ay pumapasok sa Teoryang Feminismo kung saan itinuturing alipin ang mga kababaihan at dapat maglinkod lang sa kanilang tahanan. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nabibigyan ng pantay na pagkikita sa mga kababaihan dahil sa kanilang pagiging babae. Gayunpaman, sila ay may kaya sa anumang bagay dito sa mundo.

Nagkaroon ng protesta tungkol sa Vietnam War sa kalye at kasama rito ang mga estudyante na sumisigaw ng “Young kids, go home!” Maraming tao ang nanonood dito kasama na diyan si Jules na bumaba sa kanilang sinasakyang dyip. Bumaba si Amanda upang hanapin ang kanyang panganay na anak at natagpuang nakatungtong sa harap ng isang dyip. Sinuway niya ito at bumalik sa kanilang sinasakyan.

Pumapasok dito ang teoryang Historikal sapagkat ito ay totoong nangyari sa ating kasaysayan.

Isang gabi, nagkaroon ng usapan tungkol sa pulitika si Julian at kanyang mga kumpadre at nakikipagtalunan sa mga nagawa ng pangulo dahil sa isyu sa Vietnam War. Nang sumulpot si Amanda dahil pinag-uusapan ang isang akda na si Hernandez, naging tahimik ang kanilang kainan at hindi nila pinansin ang kanyang presensya.

1970

Habang sila ay kumakain ng kanilang hapunan, pinag-uusapan nina Jules at Gani ang magaganap na prom. Agad nagsalita ang kanilang ama at sinabing,

Sa mundong ito kung saan kayo mga babae e parang mga dahon natutuyo sa sanga sa kakahintay sa ngiti at pansin namin, mga lalaki. Hanggang sa maawa kaming isali kayo sa ligaya’t luwalhati ng mundong ibabaw. Wala kayo magawa e. Ayan ang batas! It’s a man’s world!

Ito rin ay pasok din sa Teoryang Feminismo dahil sa pagsabi ni Julian na dominante ang mga kalalakihan at makapangyarihan.

Pagkatapos ng kanilang kainan, nagtanong si Amanda sa kanya kung payagan siya magtrabaho ngunit hindi pumayag si Julian hangga’t siya ang natitirang lalaki sa pamilya.

Naangkop dito ang Teoryang Feminismo ngunit ang Teoryang Markismo ang mas nababagay dahil mababa ang tingin ni Julian kay Amanda at siya ang dapat maging pinakamataas sa pamilya.

Sina Amanda, Julian, Jules, at Isagani ay pauwi galing sa kanilang dinalong prom. Nakadaan sila sa harap ng National Musuem at nakitang nililinisan ang paligid nito dahil sa pagrarally ng mga tao.

1971

Sa isang unibersidad. Si Jules ay nakisali sa isang rally na tumutungkol sa pagbibigyan ng kalayaan sa awtoridad ng estudyante at naging aktibista.

Si Jules at si Willy ay sumali sa isang pananabi ng isang grupo na lumalaban sa gobyerno at sila ay parehas nangako sa grupo. Ang protesta ay naganap na habang sila’y lumalaban ng kaganapan, bigla nilang kinanta ang Lupang Hinirang.

Si Jules naman ay pinagalitan nang kanyang ama na kasama si Willy, na kung ano ano ang ginagawa nila’y baka mapahamak sila.

Sa susunod na eksena, habang naglalaro sila Julian at ang kanyang anak na si Isagani, sinabi ni Isagani na maga-apply siya sa US Navy, naglabas bibig si Jules na si Isagani ay paalila ng kano. Sumagot si Isagani na malaki ang sahod ng US Navy at may malaking benepisyo na maibibigay, minura pa ni Isagani si Jules at napasalita si Julian na hayaan nalang dahil problema na nila yun. Sinabi ni Willy na si Jules na ang bahala dahil ayun ay ang kanyang desisyon basta ang punta nila ay sa armadong pakikibaka.

Isang protesta ay naganap ulit na lumalaban sa US at iginawang crucifix ang isa nilang kasama bilang si Ferdinand Dela Cruz. Nang magkasama muli sila Willy at Jules, sinabi ni Willy na siya’y lalabas na para sa pananabi, ngunit si Jules ay ‘di pa sigurado dahil hindi niya alam kung papaano siya magpapaalam.

Ipinapakita rito ang Teoryang Realismo sapagkat sa panahong ito, nalalaman natin na mayroong nagaganap ng rally para ipaglaban ang kanilang karapatan. Mayroon sumasali rin sa mga kilusan para itago ang kanilang paglusob patungo sa isang lugar.

Tinawag ni Amanda si Bingo na kanina pang ipinababa, nang makita niya ang kanyang saranggola ay gawa sa posters ng protesta “Ang Bayan.”

Inimbestigahan naman ni Julian ang mga gamit ni Jules nang malaman niya na siya’y isang aktibista at sumasali sa protesta. Si Jules at Julian ay nagusap nang silang dalawa lang tungkol sa gobyerno, pinaliwanag ni Jules na kung may karanasan ang gobyerno ngayon, siya’y nagtataka parin kung bakit ang pinoy ay naghihirap padin at ang utang ay dumadagdag.

1972

Bilang bagong president nagdeklara ng Martial Law sa sa telebision niya itong sinabi. Nilagyan niya ng curfew sa gabi kung may makita man sila na lumagpas ng curfew itong tao na ito ay makukulong at matotorture hanggang ito ay mamatay. At dahil dito halos lahat ng tao ay nawalaan ng trabaho at nag hirap.

Nung sila ay kumakain sinabi ng kanilang tatay “ Ang kabataan pag nalagpasan hindi na bumabalik.” Habang naka tingin sakniyang mga anak. Ayaw ng tatay na mag aalala na ng kanyang mga anak sa future na dipa naman sigurado dahil sa Martial Law.

Dito rin pumapasok na nahuli si Gani na may babae sa kwarto niya na si Evelyn, hinatid si Evelyn sa bahay nila kung san tinanong si Gani kung papakasalan niya ba si Evelyn, pag katapos pakasalan eto sa susunod na araw sila ay nag away dahil para kay Evelyn ang pagiging isang Bartolome ay isang kakahiyaan.

Nakuha rin ang report card ni Jason at pinakita niya ito sa nanay niya na bumaba na ang kanyang mga grades pero naconbinsa niya na noong unang panahon Malaki ang value ng grade niya kaya ito ay pinaglagpasan

Nang umuwi si Jules ng hating gabi dito niya sinabi na ang kaibigan niyang si willy ay pinatay na si Willy ay natorture to death kasi lumagpas siya ng curfew, dahil doon si Jules ay ginusto sumali ng communist group para sa NPA sa Bicol ngunit nung una nag tanong nanay niya at hindi pumayag kaya napag isipan ni jules na tumakas.

Sa huli ng 1972, nag-usap ang mag-asawa at dito rin sinabi ng ama ng “ every man should’ve something to die for, a man who has nothing to die for is not fit to live”

1973

Ang asawa ni Gani na si Evelyn ay nanganak at sila ay nagkaroon ng anak. Samantala, si Gani ay umalis papuntang Estados Unidos pagkatapos siya ilista biglang US Navy. Sa araw rin na yon si Evelyn ay bumalik sa nanay niya.

Ang anak rin nilang si Emmanuel ay pumuntang Bataan para sa kaniyang interview tungkol sa Nuclear Power Plant, ngunit nung narinig ng tatay niyang si Julian nagalit siya kung bakit ito ginagawa ng anak niya kahit alam niya na naka martial law sila at baka mahuli ang anak niya. Lumipas ng dalawang araw umalis pa rin si Emmanuel papuntang Bataan at sinabi sa tatay niya na hindi siya mahuhuli.

1974

Nagising si Amanda sa tahol ng aso sa labas at ginising niya rin si Julian dahil sa abalang ito. Nang makita nila, ang taong nasa labas ng gate nila’y si Jules na kasama ang kaniyang kasamahan na may sugat sa kaniyang paa galing sa tama ng bala, nagmakaawa si Jules na sa bahay ng magulang niya’y itrato ang kaniyang kasamahan, pumayag si Julian at iginamot ang sugat ng kasamahan ni Jules.

Lumipas ang araw, si Jules ay nagkwekwento ng kanyang karanasan niya sa mamumuhay bilang isang aktibista at sa bicol. Tinanong naman ni Jason kung siya ba’y nakapatay na ng sundalo, kinuwento ni Jules na nasanay na siya sa kamatayan, na ang isang matandang mahal na mahal niya’y nahuli at binali ang leeg ng matanda ngunit hindi niya tinuro si Jules.

Sa gabi, si Emmanuel at si Jules ay nagusap sa kwarto ni Emmanuel at ipinakita ni Emmanuel ang kaniyang mga sulat at artikulong walk-out ng isang libong manggagawa sa Pampanga, at ang protesta ng mga tagabataan sa nuclear power plant.

Itiniwag ni Jules na ang kaniyang ina, at nagpaalam na siya’y paalis na, naghiling si Jules na alagaan ang kaniyang kasamahan, sinabi ni Amanda na lagi nalang siya naghihintay sa pagbalik niya at nagpaalam kay Jules.

Ibinati ni Amanda ang kasamahan ni Jules, naghiling siya na magpahinga muna siya sa bahay nila Amanda ng dalawa o tatlong araw at pumayag naman si Amanda, ngunit tumanong ng kabiglaan at karamihan si Amanda tungkol sa kasamahan ni Jules kung taga saan siya at iba pa dahil walang maintindihan si Amanda kung bakit nila ginagawa na makipapglaban sa gobyerno.

Nag-usap sila Amanda at ang kasamahan ni Jules na kung paano kinakalma ang isang magulang at ang loob nila tungkol sa anak nila dahil si Amanda ay natatakot na baka magaya si Jules kay Willy.

1975

Umaga ipinagdiriwang ang kaarawan ni Bingo. Napagusapan nila na nag total strike ban nang bagong pangulo sa kanilang bansa at nakipag-uganay na siya sa Amerika at ito ay pinirmahan sa papel na ibibigay ng Amerika ang teritoryo nila sa Pilipinas.

Maglipas ang ilan na buwan na hindi nagpapakita sakniyang ama at ina, si Jules ay nakipag kita sa ina sa isang shop at dito na sinabi na kinakailangan na nilang sunugin ng mga pamphlets sa kanilang bahay at ito ay linisin. Sinabi rin ni jules na pag may nag tanong sa kanila tungkol kay Jules sabihin na matagal na hindi siya nagparamdam o nagpakita saknilang pamilya.

Dito rin umamin si Jules sa kaniyang ina na siya ay may anak na na lalaki at ito daw ay kamukha niya ngunit hindi pa nakikita ni Jules ang kanyang anak, at dito niya rin sinabi na siya ay may asawa na si Mara at isang taon na silang kasal sa isat isa, Nagpaalam na rin si Jules na hindi na siya babalik at pinasabi nalang sa tatay at mga kapatid niya ang balita na ito.

1976

Kinagabihan, lumusob ang mga sundalo sa bahay ng mga Bartolome. Tinutukan si Jason ng baril bilang pananakot nila at nagalit si Julian sa kanila. Sa kadahilanan ng pagpasya nila ay hinahanap si Jules dahil sa pagiging political officer nito sa isang kilusan. Hindi nagdalawang-isip ang pinuno nila kaya ginugol ang kanilang buong bahay at sinira ang ibang gamit nito.

Pinalipad nila Amanda at Bingo ang kanilang dalawang kalapati at naniniwala si Amanda na babalik mga ito. Samantala, nagtanong si Bingo kung paano niya nalaman na babalik ito at inihambing niya ito sa mga tao na aalis, maglalaro, maghahanap ng kaibigan, at nagtutuklas ng mga bagay-bagay. Kung ito ay hindi nakauwi, maari sila ay nahuli o napatay, tulad lamang ni Jules na umaalis at bumabalik.

Nakipag-usap si Amanda kay Em tungkol kay Jules na may puwesto sa kanyang sinamang pangkat. Siya ay naliligalig sa tuwa ng kakagawan ni Jules. Pinagnilayan niya na tama ang ginagawa ng kanyang panganay dahil kung hindi kikilos ang mga mamamayan, sino naman ang kikilos at kailan pa ito magagawa.

Tumunog ang telepono at sabay pumasok sa bahay si Jason. Sinagot niya ang telepono at nahuli siya ni Emman. Binigay ni Jason kay Emman ito sapagkat siya ay hinahanap at nalaman nila na nahuli at nakulong si Jules.

Binisita ng buong pamilya si Jules sa presinto. Nakita nila na siya ay napilay at sugat ang kanyang pisngi. Sinalubong nila ito ng yakap at iyak. Kwinento niya na wala siyang trinaydor na kamiyembro ng kanilang pangkat. Kahit siya ay sinasaktan, pilit niyang hindi magsalita ng kahit anumang katotohanan.

Nakipagkita sina Amanda at Jason sa asawa ni Jules kasama ang kanilang anak. Humingi siya ng paumanhin sapagkat siya din ay hinahanap ng militar. Sila ng kanyang anak ay maghihintay sa kanyang pagbabalik kahit anumang kalagayan niya.

Kinagabihan muli umuwi si Jason at nahuli siya ni Amanda. Pinagalitan niya ito at kahit anong palusot kanyang sinabi ay pagbabawal niya ito maglakwatsa kahit ito ay may date. Sila ay magdidiwang ng bisperas sa presinto upang samahan si Jules.

Huling Bahagi ng Dekada ‘70

Tumunog muli ang telepono ng isang gabi at sinagot ni Amanda at nalaman niyang nawawala si Jason. Sumama si Julian sa paghahanap sa kanya at sa dalawang police station walang sila naitala. Sa pangatlong police station, nalaman nila na siya ay may rekord na ng paggamit ng marijuana (isang gamot na makukunsulta lamang sa doktor). Sabi ng pulis na siya ay pinalaya bago sila dumating. Labis na nag-alala si Amanda pagkadating nila sa kanilang tirahan.

Umuulan nang gabi at nakauwi ng bahay si Emman. Sinalubong siya ng sermon ng kanyang ina. Sa pagkapasok niya ay hindi ito umiimik at pinaakyat niya ang kanyang ama. Ilang saglit pa, may nabasag si Julian. Daling-dali umakyat si Amanda at nakitang galit at umiiyak si Julian nang nalaman niyang namatay si Jason. Ito ang pinakamasaklap na nangyari sa kuwento. Pagkatapos niyang suntukin ang pader, nahimatay na lamang si Amanda sa balita.

Pinayagang ipapunta si Jules kasama ang mga pulis sa lamay ni Jason. Sinalubong siya ni Em at ng buong pamilya ng yakap. Naging emosyonal siya sa pagkakita ng kanyang kabaong at ang mismong bangkay. Napaluha siya sa kabaong kahit ito ay labag sa pamahiin.

Minamasdan ni Amanda ang silid ni Jason na may mga posters sa pader, bag sa ibabaw ng kama, at kanyang sapatos. Kinuha niya ang long sleeves niya at naiyak dito. Dumating si Bingo sa kuwarto at sinisi ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang kapatid dahil nais niya ipabatid sa kanyang ina na ipapakilala na siya sa magulang ng kanyang kasintahan.

Nag-usap sina Amanda at Julian tungkol sa paglalapit ng kaso ni Jason sa isang makakapagtiwalaan na tao. Hindi pumayag si Julian sapagkat wala sila magagawa. Gayunpaman, ang gobyerno ay hindi makakalutas ng mga mamamayan subalit lahat nakaranas nitong pagdudusa.

Nagtipon-tipon sa puntod ni Jason ang mga babae sa kuwento. Naging bukas si Amanda sa kanila na bakit ganoon lamang ang pagtingin sa mga kababaihan na walang magagawa sa lipunan. Dapat ipinaglalaban at handang mamatay para sa kanyang anak ang kanyang batid.

Habang naghahanda ng pagkain si Amanda, napansin ni Julian na laging inaaputag ni Amanda ang panganay niyang anak kaysa sa iba niyang anak. Inamin ni Amanda na gusto niya makipaghiwalay sa kanya. Depensa niya na isang biro lang ang kanyang sinabi dahil kung totoo ito ay lalayo ang isang babae ngunit nangangailangan lamang ng atensyon ang babae batid ng ina. Pilit na sinabi ni Julian na maarte ang kanyang asawa sapagkat mas malapit siya sa panganay nilang anak. Emosyonal na dinamdam ni Amanda ang pagkait ni Julian at ihayag na hindi siya nauunawaan ng kanyang asawa. Siya ay nag-aalala kay Jules dahil hindi niya nalalaman kung ano ang kalagayan nito, kung nasa mabuti ba o hindi. Gusto niya na ipagmalaki ang kanyang sarili sa mga ginagawa niya.

Nang nag-aayos ng gamit si Amanda, siya ay inabala ni Bingo dahil ipapalaya na si Jules sa araw na iyon. Madamdaming ang kanyang pag-alis dahil sa paalam niya sa kanyang kasama sa bilangguan.

Nang natira na lang sa bahay ang mag-asawa, nagpasalamat si Julian kay Amanda dahil sa pagiging mabuting ina sa kanilang pamilya. Nakapagbukas din siya ng kanyang damdamin sa mga stereotypes ng isang lalaki gaya ng pag-iyak, pagiging madamdamin, at mapagsalita dahil ito ay pagiging mahina ng isang kalalakihan. Gusto niyang hanapin ang pumatay sa kanilang anak upang makamit ang hustiya na kanilang kinakamtan. Nagpaluwag ng loob si Amanda sa kanya at sinabing sabay-sabay sila kikilos para lumaban at tuluyang umiyak si Julian. Sa sumunod na eksena, nagsiawit ang lahat ng Lupang Hinirang na nakataas ang kamay at nakasara ang kamay.

Konklusyon

Isa ang Dekada ’70 sa pagbibigay ng kaalamaan ng ating kasaysayan. Madugo, mahirap, at masaklap ang naging pamumuhay ng mga Pilipino noon pa man. Naipakita ng pamilyang Bartolome ang pagiging matatag kahit hindi buo ang pamilya sa loob ng kanilang tahanan. Kung paano sila magmahal at sa kung paano sila mag-alay sa isa’t isa ay masasabi natin na mahalaga pa rin ang pamilya.

Ipinamalas din na dapat ang mga kababaihan ay may sabi rin sa kanyang lipunang ginagalawan at hindi lamang sa pamamahay ang kanyang gawin buong buhay. Kasama rin sila sa pag-angat ng ating bansa para sa magandang kalagayan ng ating bansa. Ano pa man ang iyong kasarian ay dapat maging pantay-pantay tayo at walang diskriminasyon magaganap.

Ang nobela ay nagpapahiwatig sa atin kung gaano natin kamahal ang Pilipinas. Sa mga protesta, sa mga kilusan, at sa mga artikulo ang pamamaraan ng mga Pilipino noon. Kadahilanan nito ay para sa kalayaan lamang para maibalik ang kapayapaan sa bayan.

Rekomendasyon

Para sa amin, ang nobelang ito ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa Martial Law at sa mga nangyari sa mga tao noong dating panahon. Nais namin ring ipabasa ito sa mga tao at mga mag aaral para makakuha rin sila ng impormasyon at malaman rin nila kung anong nangyari noong dekadang ito. Inihihikayat namin na magsaliksik at huwag basta maniwala sa mga sabi-sabi ng mga tao at maging isang mapanuring mambabasa.

--

--

No responses yet