Panunuring Pampanitikan: Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag

BENEDICT CALIBA
8 min readMar 7, 2021

--

Movie poster ng “Maynila: Sa Kuko ng mga Liwanag” (Hinango sa IMDB)

Laging iniisip ng mga Pilipino na sa Maynila ay makakahanap ka ng pag-asa upang makawala sa hirap. Samantala, hindi lahat ng pagkakataon ay napupunta sa magandang kalabasan. Ang iba nakakakuha ng swerte habang iba ay hindi pinagpala. Narito ang aking pagsusuri o pagtalakay sa pelikulang “Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag” na bigyan ng katotohanan ano ang nangyayari sa Maynila.

Sa pelikulang Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag na isinulat ni Edgardo M. Reyes, tinatalakay dito ang mga makatotohanang pangyayari sa Maynila na sa kasalukuyan hindi pa rin nawawala. Ginamit ang pagwawangis sa kuko sa pamagat dahil ipinakita sa kuwento na ang mga tauhan ay hindi makakita ng liwanag sapagkat sila ay hindi tinatrato ng mabuti. Ang layunin ng pelikula ay ipaalala sa lahat na may sagabal nagpipigil sa tagumpay ng isang tao lalo na sa mga mahihirap.

Si Edgardo M. Reyes ay isa sa mga kilalang manunulat ng mga nobelang Pilipino. Siya rin ay nagsusulat ng mga iskrip para sa mga dula. Ang kanyang mga gawa ay nakita sa magasing Liwayway. Ilan sa mga naisulat niya ay Laro sa Baga(1991), Mga Uod at Rosas(1982), Sa Aking Panahon(2006), Diwalwal: Bundok ng Ginto(2009), at Isla: Si Tarzan, Si Jane at si Chito(2010). Siya ay nakakuha ng dalawang parangal: Carlos Palanca Memorial Awards for Short Story in Filipino at Carlos Palanca Memorial Awards for One-act Play in Filipino.

Ang mga teorya na aking gagamitin sa pagsusuri ng pelikulang Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag ay ang teoryang Realismo, Romantisismo, at Naturalismo.

Ang unang teoryang pinakanangibabaw sa pelikula ay ang teoryang Realismo. Sa pelikula, ipinakita ang totoong itsura ng kapaligiran sa Maynila. Maraming basura nasa paligid ng kanal. Tumitira sa mga bahay na madaling mawala. Mga nakatambay sa kalye at umiinom. Makikitid ang mga daanan sa mga pampublikong lugar. May nawawalan ng trabaho. May magnanakaw saanman ka pumunta. Ganoon ang ipinakita sa pelikula. Marahil rin sa totoong buhay ang mga eksena.

Ang susunod na teorya na kapansin-pansin ay ang teoryang Romantisismo. Ito ang pagpapakilala sa pag-ibig ng bawat tauhan. Sa pasimula pa lang ng pelikula ay makikita natin si Julio nakatingala sa isang gusali at alam doon nakatira ang kanyang kasintahan na naging dahilan ng kanyang luwas sa Maynila. Si Bobby ay napamahal sa kanyang trabaho dahil iyon lang ang nagpapabuhay sa kanya. Ang iba pang eksena ay ang pag-aaruga ni Perla sa kanyang tatay at kapatid. Bagkus, ang pag-ibig ay hindi nawawala sa buhay.

Ang huling teorya na gagamitin sa pagsusuri ko ay ang teoryang Naturalismo. Ito ay ang pagbebenta ng iyong katawan sa ibang tao. Si Bobby ay isa sa mga halimbawa nito. Tinanggap niya maging callboy dahil wala na siya mahanap na ibang trabaho para sa kanya. Sinubukan rin ito ni Julio upang kumita rin ngunit inutangan siya ng kanyang sweldo. Dapat hindi kuhanan ang sweldo ng iba dahil hindi mo iyon pinaghirapan.

Ang mga gumanap sa pelikula ay sina Bembol Roco bilang Julio Madiaga, Hilda Koronel bilang Ligaya Paraiso, Lou Salvador bilang Atong, Pio de Castro III bilang Imo, Danilo Posados bilang Benny, Lily Gamboa Mendoza bilang Perla, Tommy Abuel bilang Pol, Jojo Abella bilang Bobby, Pancho Pelagio bilang Mr. Balajadia, Juling Bagabaldo bilang Mrs. Cruz, at Tommy Yap bilang Ah Tek.

Sa buong pelikula, laging nasa eksena si Julio Madiaga, ang kasintahan ni Ligaya at ang bida. Siya ay mangingisda noon at lumuwas sa Maynila upang hanapin si Ligaya na hindi bumabalik sa kanilang probinsya. May napapasukan siya mga trabaho pwede sa kanya ngunit hindi maganda ang nangyayari sa kanya. Sa pagkilos ni Bembol Roco ay nadama niya sa mga manonood at sa kwento ang pagtatatag ng kanyang tauhan sa kabila ng hirap ng buhay.

Si Ligaya ay masasabing magandang probinsyana at mapangarapin sa buhay. Siya ay inaanyayahan mag-aral sa Maynila ni Mrs. Cruz. Tinanggap niya ang alok at nagpaalam siya kay Julio. Hindi niya akalain na siya’y magiging biktima ng illegal recruitment at pilit ipagbenta ang kanyang laman upang mabuhay. Wala kami masabi sa pag-arte ni Hilda Koronel dahil talagang mahusay siya dahil sa mga damdamin ipinahahayag niya.

Si Atong ay isa sa mga nagtatrabaho sa pagtatayo ng gusali. Siya ay mabuting anak at kapatid at gustong mamuhay ng simple o payak. Naging sandalan ni Julio si Atong sa mga maaaring mangyari sa kanya sa Maynila. Dahil sa mga ipinayo niya kay Julio ay sila ay naging kaibigan. Ang pagganap ni Lou Salvador Jr. ay nasa ayos at parang naging nakakausap mo na siya.

Si Imo ay isang kaibigan at katrabaho ni Julio sa pagtatayo ng gusali. Sinasabayan niya ang pag-aaral at trabaho para makahanap rin siya ng disenteng trabaho. Para sa kanya, hindi dahilan ang pagiging mahirap para ‘di maging matagumpay sa buhay. Kahit mahirap, nakikita pa rin niya na mayroong pag-asa darating sa kanya. Sa pagganap ni Pio De Castro III ay magaling at ipinadama sa mga manonood ang kanyang tauhan.

Si Benny ay kasama rin ni Julio sa konstruksyon. Nagbibigay siya sa sigla sa trabaho sa pamamagitan ng pagkanta . Dahil sa kanyang talento, siya ay dinala sa Maynila ng mga nag-anyaya sa kanya at hinayaan na lang maghanapbuhay. Sa pagkahilig niya kumanta, siya ay namatay sa konstruksyon dahil sa timba naglalaman ng semento at nahulog. Maganda ang pagganap ni Danilo Posados dahilan ng kanyang boses.

Si Perla ay isang mabuting anak sa kanyang tatay na may sakit at mapag-aruga sa kapatid niya na si Atong. Naging kaibigan rin niya si Julio. Sa kabila ng kanyang pag-uugali sa mga nakasalamuha niya, hindi na niya naiisip ang kanyang mga karapatan. Lagi niya sinisisi ang kanyang pagkamalas sa mga pagkakataon na mayroon dapat siya. Hindi rin siya marunong dumiskarte sa buhay na mayroon siya. Ang masasabi namin sa pagganap ni Lily Gamboa-Mendoza sa pelikula ay mahusay sapagkat hindi namin natunghayan pa sa likod ng kanyang buhay.

Si Pol ay kasama ni Julio sa konstruksyon na mabuti ang kanilang pakikisama. Sinasabi niya kay Julio ang lahat ng nalalaman o natutunan niya sa Maynila. Bukod sa kanyang magandang asal, siya ay takot sumubok at walang lakas ng loob labanan ang mga hamon mag-isa. Kailangan niya ng kasama sa paghakbang nito. Maayos ang pagganap ni Tommy Abuel at nadala niya ang mensahe ng isang tunay na kaibigan.

Si Bobby ay napadpad sa Maynila upang makahanap ng trabaho para mabuhay siya at ng kanyang pamilya. Sa kasamaang palad, siya ay hindi tinanggap sa mga trabaho pinasukan niya kaya naging callboy siya na binebenta ang kanyang katawan. Niyaya niya si Julio na ibenta ang kanyang sarili para makakitaan lamang ng pera. Siya ay itinuturing taong kumakapit na lamang sa patalim para mabuhay. Ang pag-arte ni Jojo Abella ay mapagkumbinsi dahil naramdaman niya ang kanyang tauhang nawalan ng pag-asa.

Si Mr. Balajadia ay ang sumusweldo sa mga manggagawa at pauutangin pa sila. Ang pag-utang nila ay tinatawag “Taiwan” na gagawing utang ang kinikita nila. Masasabi natin ang tauhan ito ay hindi patas at walang konsensya sa mga pinaghirapan ng iba. Gayunpaman, ang pagganap ni Pancho Palagio ay naramdaman ng mga tagapanood. Ang panlalait at pagkainis ay nangingibaw sa kanyang karakter.

Si Mrs. Cruz ay itinuturing isa sa mga masasamang tauhan sa kwento. Siya ay naghahanap ng mga babae para kumita siya. Pinapasok niya ang mga babae, gaya ni Ligaya, sa prostitusyon. Tinanong siya ni Julio kung saan si Ligaya ngunit hindi niya kilala. Masasabi ko sa pagsasagawa ni Juling Bagabaldo ay magaling sa pagganap ni Mrs. Cruz dahil maraming nainis sa kanyang karakter.

Si Ah Tek ay isang banyagang Intsik na mapagsamantala rin. Inaalagaan niya si Ligaya ngunit mahigpit siya sa kanyang galawan. Sa kasamaang palad, pinatay rin niya si Ligaya dahil nagtangka siya lumayas. Napatay siya ni Julio upang paghigantihan ang pagkamatay ni Ligaya. Maganda ang pagganap ni Tommy Yap sa isang masamang tauhan.

Ang pelikula ay nagtagpo sa Maynila noong unang kapanahunan pa. Habang ipinapakita sa simula kung sino ang mga kasama sa paggawa ng pelikula, nakita natin ang ilang lugar sa Maynila na nagpapakita ng paligid nito. Ang unang nangyari sa kwento ay ang alok ni Mrs. Cruz kay Ligaya na sumama sa kanya sa Maynila upang mag-aral at makahanap rin ng trabaho. Nagpaalam siya sa kanyang kasintahan na si Julio at pinapangako nila na sumulat ng liham sa isa’t isa. Lumipas ang ilang buwan, hindi na nakatanggap si Julio ng liham at nalaman na nawawala si Ligaya. Nagdesisyon siya lumuwas sa Maynila at maghanap muna ng trabaho. Hindi siya nakakuha ng swerte sa kanyang mga trabaho dahil sa pagnanakaw at pananakit sa kanya. Pumasok siya sa konstruksyon bilang manggagawa at nakilala niya ang pwedeng tumulong sa kanya na sina Atong, Imo, at Pol. Nagtutulungan sila sa isa’t isa at tumira sa kanilang bahay. Hindi nagtagal, tinanggal sa trabaho si Julio at ng ibang manggagawa. Ilan nagdaang engkuwentro niya kay Mrs. Cruz, siya ay nakalapit kay Mrs. Cruz at tinanong kung nasaan si Ligaya at wala siya nakilalang Ligaya. Mula sa pagtanggal niya sa trabaho, pinapaalis na siya sa bahay at pumunta sa parke. Nang patulog na siya, inalok siya ni Bobby tumira sa kanyang tirahan at nalaman ni Julio na siya ay isang callboy. ‘Di nag dalawang-isip si Julio, sumama siya sa pagbebenta ng kanyang laman at isang kostumer ay hindi nakutento sa kanya dahil takot siya mahawakan ng iba at sinabi hindi para sa kanya ang ganoong trabaho. Nagkita muli sila Julio at Ligaya, ngunit may problema kinakaharap si Ligaya. Kwinento niya kay Julio paano siya nakapunta sa pagbebenta ng laman at kung gaano kahigpit ang kanyang amo na si Ah Tek. Nagplano sila umalis ng Maynila at pagdating sa araw na iyon, hindi nagpakita si Ligaya. Nabalitaan niya na patay na si Ligaya. Pinuntahan niya ang gusali kung saan nakatira si Ligaya at Ah Tek. Pinatawag ni Julio sa katulong si Ah Tek at napatay ni Julio. Maraming tao ang nakakita ng pananaksak at tuloy patakbong umalis si Julio habang hinahabol siya upang bugbugin. Wala na siya pwedeng puntahan at siya’y namatay.

Ang talagang pinapaksa ng pelikulang “Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag” ay ang kahirapan nararanasan sa Pilipinas. Maraming dahilan bakit maraming mahihirap kaysa mayayaman at isa diyan ay panloloko sa mga mahihirap na may mataas na pangarap. Nang ibinigay na ang sahod ng mga manggagawa, apat na piso ang kanilang natanggap na ayon sa kanilang kontrata ay tatanggap sila ng anim na piso. Hindi ibig sabihin na mas nakatataas ka sa lipunan ay pwede kang manloko o magpahirap pa. Ang pagbebenta ng laman ay isa ring problema sa lipunan. Binigyan ka ng katawan hindi para sa iba kundi para malaman ang iyong layunin sa buhay. Huwag tayo matulad kay Bobby na hanggang pagbebenta ng laman ang kayang niyang gawin dahil marami pang trabaho pwedeng pasukan. Dahan-dahan rin tayo sa mga umaalok sa atin gaya ng ginawa ni Mrs. Cruz kay Ligaya. Ito ang ilan sa mga problema sa lipunan na hanggang sa kasalukuyan mayroon pa rin.

Ang “Maynila: Sa Kuko ng mga Liwanag” ay puno ng mga kaalaman nangyayari sa ating kapaligiran. Nabigyan rin tayo ng linaw sa mga isyung ‘di natin mararanasan at makakuha ng sapat na balita. Bawat tauhan ay may iba’t ibang papel sa lipunan; may magandang-asal, duwag, at masama. Ipinakilala na dapat magtulong-tulong tayo sa mga pagsubok kahit gaano mabigat pa man ‘yan. Hindi makikita sa ating kuko ang liwanag bagkus nasa ating mga palad.

--

--

No responses yet